1. Senate President DRILON… nauso siya nung time ni Cory…nagpatuloy kay Ramos… Kaso talagang ambisyoso… Pumapel kay Erap, naging Executive Secretary para later on, tumakbong Senador. naging loyalista ni Erap… Naging Senate President… Nung tumagilid si Erap… umiyak iyak at ginive up ang senate Presidency kay Pimentel. Pero yun nga, ilang buwan lang,
nag Edsa Dos, nabalik siya bilang Senate President dahil sa pagsipsip na rin niya kay PGMA. Nangampanya, sumoporta, solid na solid GMA, wari niya, Madame President, mahal kayo ng ilonggo, pwede nyong ilipat ang Malacanang dito kung nais ninyo at welcome kayo… Ilang araw lang at tumagilid si PGMA, biglang… “I urge the President to vacate the Presidency”…bali balita… may balak daw kasing maging Vice Pres naman, at concurrent Exec Secretary… at dahil sobrang high probablility na di tatagal si
Noli, dahil gagawan din ng kung ano anong paninira… eh di siya na ang Presidente. Black propaganda daw mga to… at kaya daw siya umalis, di na raw niya maatim ang corruption ni GMA, ang pagbingibingihan nito… northrail, customs corruption (na ang chief ay kasama nga sa hyatt 10 na nagresign) at kaalyado na niya. di na raw niya masikmura GMA, hmm… sobra naman
yan… ano ka ba talaga teng!!! pati hati ng buhok mo, binago mo… para ba bumata? para cute? hanep ka! Hanep ka sa pagproclaim kay GMA! Napuyat pa kami. Kulang nalang eh halikan mo sa paa kaso ngayon, sabi mo matagal nang corrupt
siya.
2. Loren Legarda… nagumpisa bilang sendaor. tumuligsa kay erap. umiyak iyak nung di mabuksan ang second envelope… sa planong pagtakbo bilang Bise nung nakaraang eleksyon, malinaw na di siya makukuha bilang partner ni GMA kaya siya tumiwalag kay GMA… binisita niya si Erap…nagmano…nakipagkamayan… at lumapit kina Boy Morales at grupo ni Lumbao at
nanligaw sa kampo ni FPJ. nilabanan si GMA at Noli. Nanalo daw kay Noli at nadaya siya. Mas sikat ka nga ba kay Noli? Mas matalino ka siguro pero kung si Lumbao nga at mga tagasunod ni Erap eh matagal munang nagisip bago ka tanggapin, at sa pagpilit na rin ni FPJ kaya tinaggap ka nila. Sasabihin mo na ikaw talaga ang nanalo. Agresibo ka ngayon sa protesta mo dahil
anytime, pwedeng palitan ng vice si GMA… at naglabas ka agad agad ng 4 Million nung nakita mo ang posibilidad.maka-Masa ka nga ba tulad ni Noli at FPJ?
3. Susan Roces - di politiko… kahanga hanga ang katapangan mo… pero bakit “not once but twice” ang hirit mo na ninakaw ni GMA ang presidency? Tingin mo ba talaga nun eh di dapat natanggal si Erap? na tama lang na wag buksan ang second envelope? (na di tulad ngayon, kahit quiapo, lima singko ang garci tape?…) sabi nga ni Gonzales… masyado kang maganda
para ibilanggo. Best actress pa. Ilan ba ang award mo? di ka dapat kasama sa listahan kaso bongga ka talagang magspeech eh.
4. Senator Biazon… kay Erap muna, tulad ni Drilon, biglang naging maka GMA during the impeachment of Erap… nung nakaraang eleksyon, kay Roco ka muna sumali, tapos, kay Brother Eddie, tapos nung medyo nakita mong nasa itaas ng survey si GMA, dun ka naman lumipat… at nung nakita mo na mas gusto si Barbers sayo ni GMA, nagbanta ka na papa buksan
mo ang balota etc. etc.. Kanino ka ba talaga? At ngayong tagilig na naman si GMA, sama ka na naman sa call for resignation ni Drilon…
5. Cory Aquino… ok ka sana… pero sana bago ka magbigay ng payo kay erap, gma, o kung kanino man… ay si Kris muna ang patinuan mo… na lantaran nagsabing hinawaan ng tulo ni Joey Marquez…ngayon naman pati ang pag bisita niya sa probinsiya ng kanyang batang basketbolistang aasawahin ay ginamit pang pang anniversary special ng show niya. wala namang humihingi ng payo mo eh. ayusin mo rin muna ang gusot diyan sa hacienda luisita bago ka manawagan ng pagresign… so kahanay ka na ulit ngayon ng maka erap at nina imee marcos…
6. Imee Marcos… tinuligsa si Cory dahil baliktad na pala daw ang mundo ngayon. Nung araw, nang nakapwesto ang ama, si Cory daw, nagrevolutionary government, pero ngayon, si Cory ang nagrereject ng revolutionary council kung saan member si Erap at Susan Roces… at si Imee naman ang nagpipilit nito… Susan Power ika nga…
7. Teddy Casino, militante, Etta Rosales and some Marcos human rights victims na galit sa diumano’y corruption noon ni Erap - kapit bisig at hawak hawak ngayon ng kamay sa rally sa makati kay jinggoy, jv, imee marcos.
8. Binay - wag mo na kasing ipagpilitan si Susan. ang dati mo ngang boss na si Cory na unang nagluklok sayo sa Makati ayaw rin sa kanya. Si Noli ang gusto. Pagpatuloy mo ang napakandang pagkunsinte mo sa mga squatter along sa riles dyan sa Makati na nagbibigay ng boto sayo tuwing eleksyon. Alagaan mo silang mabuti. Galingan mo pa ang expertise mo sa paghakot.
9. Bro. Eddie - talagang di titigil sa paglalaban ng pagbabago. Si Bro.Mike narin kaya at Manalo eh tumakbo narin. Isama na natin si Fr. Robert Reyes na mahilig tumakbo. Sa lahat ng pare, wala akong masabi sa taong ito. Eh lahat ng presidente ayaw mo. sino ba ang gusto mo?!?! Si cardinal Sin? Bro Eddie, panalo ka. amen! Di ka ba natatakot sa mga pinagsasabi mo? sige ka… baka kunin ka ni lord…
10. Senator Pimentel - Masyado namang malaki ang galit mo kay PGMA. nag side ka sa pagopen ng second envelope, humawak ng mic ni GMA during edsa 2. Kaso di ikaw ang pinili ni GMA bilang vice at si Guingona ang kinuha dahil kapartido… di lang yon.. pati senate presidency, nawala pa dahil si Drilon ang naging Senate President. kaya naman pala… talaga
nga naman sukdulan ang galit mo…
11. Former VicePres Guingona - bilib ako sayo… sa tapang ng sikmura mo..anti ERAP solid… galing pa nga panlalaki ng mata mo nung impeachment trial… kinuha kang Vice ni GMA, kaso nung malapit ng matapos si GMA, dahil ayaw na sayo, siguro dahil matanda ka na sobra… magpahinga ka na, eh balik Erap Group ka at sinoportahan sa pagka congressman nila ang anak mo na nagmana sa mata mo.. kaso nga lang… di siya mukhang Junior… eh doble yata ang laki niya sayo. For the sake of reconciliation,
after the election, nakipag peace ka kay GMA, at naappoint ka pang Ambassador sa China. galing. di ka naman ba nahiya? ngayon mabilis pa sa alas kwatro, nag resign ka na naman dahil namimiligro na si GMA. kung di kaya siya matanggal… US Ambassador naman?
12. Jinggoy Estrada - former mayor… now Senator… effective ang pagbuhat mo na bata sa squatter sa campaign ad mo… kuhang kuha mo ang damdamin ng mahihirap… ang galing. wala ako ma-say. pero alam ba nila ang mga luho mo? ang yaman mo? tanong ka nang tanong kay mosqueda sa senado… ba’t di mo kaya tapusin ang mga imbestigasyon sa mga bahay niyo muna… boracay mansion… tanay resthouse… etc…mga personal property mo… at ng iyong pamilya… sabagay… naging mayor ka nga pala… at artista… malaki nga siguro ang kinita mo dahil sobrang sikat ka at talagang makisig at ini idolong action star. ang
guwapo mo eh. kaya sisikat ka talaga.
13. Congressman Escudero - galing mo manalita. pang masa talaga. naiintindihan lahat ng ordinaryong pinoy! pero dati gma ka rin. nga pala, kinailangan mong suportahan ang tatay mo sa pagkandidato senador under FPJ. makamasa ka bang talaga? alam mo kaya talaga ang buhay ng masa? kumusta nga pala ang mga ekta ektaryang lupain niyo… crony nga pala kayo ni marcos