WALANG KATAPUSANG CORRUPTION, walang kamatayang pangbabatikos, pagbabatuhan ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawatisa, walang tigil na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala namang matinong resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga partido, patuloy na pagdami ng tamad at tangang Pilipino, SILANG patuloy na pakikipaglaban ng ideolohiyang wala namang silbi.
SINONG “SILA”? EH DI MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND WORKERS, MGA TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN NAGTRATRABAHO AT HINDI NAGBABAYAD NG TAX, MGA MAYAYAMAN AT ARTISTANG TAX EVADERS, PATI MGA AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL GROUPS NA HINDI NAGBABAYAD NG TAX PERO PANG-GULO!!!
Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan ang masa! Mahalin ang masa!
MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS?
SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAY SA BANSANG TO?
SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE? SAAN BA GALING ANG PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NILA?
KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO PA MAKUHA ANG SWELDO BAWAS NA - KAMI ANG BUMUBUHAY SA
BANSA NA ‘TO!!!!!!!!!
BAKIT YANG BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA NG MGA PULITIKO EH NAGBABAYAD BA NG TAX cla???!!!!
KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA YAN, KAHIT SINGKO HINDI NAG-RE-REMIT YAN SA BIR!
PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO?
LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INI-INTINDI NG GOBYERNO.
KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD.
KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC CONTRIBUTION, SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA.
SILA LAGI ANG BIDA.
KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS, OFW’S, LABORERS AT IBA PANG NAG-TRA-TRABAHO AT NAGBABAYAD NG TAX - KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA BUHAYIN ANG PILIPINAS. KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!
Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto kong maiyak sa inis. Napakalaki ng tax na
binabawas sa akin pero ginagamit lang sa walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko.
Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko, pamilya ko at ang bansang to. Ni hindi ako makabili ng chicken and spaghetti meal sa Jollibee kahit gutom na gutom na ko. Nag-tya-tyaga ako sa waffle na tig-P10, o kaya pag may konting pera, junior bola-bola siopao sa Mini-Stop sa halangang P20.
Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang napunta, eh di sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa isang buwan. Nakabili na sana ako ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako ng sarili kong bahay.
Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga corrupt na mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong i-budget ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansyon. SUV’s at luxury cars pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang sumasakay!
PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!!!
Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba galing ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di ba sa mga manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng mahihirap, kung umasta kala mo inaapi sila ng sobra.
SA TOTOO LANG NO, KAYA ANG MGA MAHIHIRAP LALONG NAGHIHIRAP KASI MGA TAMAD!
Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng katawan. Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila.
TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NG ANAK!
LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!!!
Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa Pinas. Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa Cubao, pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na.
YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP NA NGA KAYO SA BUHAY, MANGDADAMAY PA KAYO NG IBA?! PAPARAMIHAN NYO PA LAHI NYO!
Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo lang, nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang, nakakabuo pa rin ng bata! Ibig sabihin,
maabilidad ang mga Pinoy. Kung gugustuhin, gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at maduming lugar - SOLVE!
Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal nila ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain.
EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA MUKHA NYO!
MGA HIPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS!
WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO! KUNG MAY TRABAHOTALAGA KAYO, HINDI KAYO MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO!
PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA KAYONG GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!!
ISA PA YANG MGA MAYAYAMAN AT MGA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI NAGBABAYAD NG BUWIS. ANG KAKAPAL
NG MUKHA NYO! ANG DAMI NYO NA NGANG PERA NANGDADAYA PA KAYO SA TAX!!!! HINDI NYO NAMAN MADADALA SA IMPIERNO YANG MGA KAYAMAN NYO. MASUSUNOG LANG DUN YAN.
KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA NEGOSYANTE MANDARAYA. PATI SHOWBIZ INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA ANG TAWAG DYAN. MGA BALASUBAS KASI.
Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING.
Alisin ang lahat ng pulitiko at political families sa puwesto. Tibagin ang lahat ng mapanirang organizations at grupo. Itapon sa malayong isla o kaya i-pwersa ng hard labor ang mga sobrang tamad na mga Pilipino. Ihiwalay ang mga bata sa kanilang mga tamad at tangang magulang upang makapag-aral sila at maturuan na maging mabuting tao at mamamayan. Magkaron ng bagong lider na walang political ties at utang na loob sa kahit sino.
At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng bumoto!
Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos lang. Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng kalayaan, pero hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng pagiging malaya. Meron daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero takot namang mamatay para dito.
Hangga’t hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta ang Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino. Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang panahon na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak. Yung mga magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Sobra na kasi silang na-fru-frustrate at na-de-depress sa mga nakikita nila.
Ilang taon pa at aalis na rin ako sa Pilipinas. Wala kong balak na magkaron ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang kontribusyon ng mga taong tunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang magiging anak ko kung dito sya mabubuhay.
Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito. Pilit kong pinagtatanggol kahit bulok. Nakarating na ko ng ibang bansa, pero pinili kong bumalik. Pero ngayon, ayoko na. Suko na ko. Sayang lang ako sa bansang to. Simple lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mabuhay ng tahimik at maayos. Gusto ko na kahit paano eh maipagmalaki ang Pilipinas. Pero wala eh. Doomed to be jologs ang bansang to.
Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck and God bless! Sana tama kayo at mali ako.
History tell us time and again that the issues, involving high government officials usuall generate outrageous protests from the people. As the tension rises, so is the destabilization against the government with rebellion on one side and coup attempts on the other. It is just a never- ending battle of confusion…
Posted by richard at August 30, 2005, 12:18 pmnice! ang tapang ah!
Posted by webmaster at November 2, 2005, 7:38 pmPart I
Kay HINANAKIT NG -> isang ordinaryong office worker na ayaw nang magbayad ng tax…ever! :
Alam mo, marami tayo sa bangka. Ang ibig kong sabihin, pare-pareho ang nadarama nating frustration sa bansang Pilipinas na kahit na anong pagtulak at pag-iwan dito ay nananatiling kaisa-isang bansang pinanggalingan natin. Gusto kitang batiin dahil kahit na hindi ka ka-eloquent katulad ng mga politician, naipadala mo ang mensahe na malinaw para sa lahat.
Kaisa mo ako sa frustration naito : Tuwing mamasyal ka sa Pilipinas para magpahinga sa kakakayod, lalo lamang stress ang mahahagap mo.
Paglabas pa lang ng airport ay stress na ang sumasalubong sa iyo dahil sa dami ng taong basta na lang bubuhatin ang ang mga bagahe mo at hihingan ka ng pera.
Mamasyal ka sa mga sinasabing tourist spot, halimbawa sa Pagsanjan Falls>> hindi mo man lang ma-enjoy ang views dahil walang tigil ang mga boat men sa kapapaalala sa iyo ng tip nila, ng pagkain ng anak nila, ng birthday ng kung sino at kailangan nila ng pambili ng alak…. haaay.
I-kumpara mo ang tarif nila sa ibang bansa, pareho lang ang presyo, kadalasan ay mas mahal pa, pero por dyos por santo, walang matinong facility, ni sa simpleng kalikasang pangangailangan na pag-ihi!
Saan nga ba napupunta ang mga perang ito?!?
Sa bansang pinupuntahan natin ay malaki din ang binabayaran natin para sa comfort na ito, an indirect taxation. Pero sa Pilipinas, napupunta saan ang pera.
Nabanggit ko ang paglabas sa airport, mayroon ding tax sa paglabas ng bansa. So far, Pilipinas lang ang alam ko na nangongolekta ng 550 pesos sa lahat ng pasaheros ng eroplano, imagine ang dami ng pasaheros araw-araw! Saan napupunta ito samantalang ang Philippine airport sa kasalukuyan ay good as trash, pinakapangit na international airport na nakita ko!
Para ba sa bagong airport ang kinokolekta??
Gusto kong tanungin sa custom officer; baka may alam sya aside from collecting the 550 pesos from each passenger, pero dios mio, mukhang un-approachable ang itsura.
Sa bandang katamaran,katangahan at pagdami ng mga pinoy : gobyerno din ang may pakana nyan. Walang epektibong programa para sa mga kaalaman; sa TV punong puno ng mga patalastas sa shampoo at magkakandaduling ka sa dami ng text messaging na kung anu anong kabalbalan.
Pero attractive na patalastas para tulungan ang mga kabataan, ang populason tungkol sa Family Planning at mga simpleng kaalaman ay wala (well, wala lang siguro akong nakita, dahil panay contest)
Tutuo na nakapanlulumo na kandahirap ang middle class para magkaroon ng kaayusan, pero hinuhuthot ng mga taong nasa position. Resulta, ang mayayaman lalong yumayabang, at ang mahihirap, lalong nagiging miserable at tanga.
Posted by ador at November 16, 2005, 9:30 pmPART II
Napakaraming kabulukan sa Pilipinas!
Naaalala ko ang kaopisina ko minsan na nagsabi, ang mabuting gawin sa mga Pilipino ay lusawin at mag-umpisa uli sa umpisa. I found her idea horrible. Pero, ngayon, katulad ni HINANAKIT NG -> isang ordinaryong office worker na ayaw nang magbayad ng tax…ever!, nawawalan na rin ako ng pag asa.
Baguhin ang Pilipino sa isang wanday ng mahiwagang baguette o wand (Paumanhin, nalimutan ko na sa tagalog. Sa tutuo lang, napapahinto ako ng 20 segundos sa paghahanap ng tamang salita sa tagalog) ay napaka-imposible!!!
Kaya, pinag-tuunan ko ang sarili kong pamilya. Naniniwala ako na mag-umpisa sa maliit, siguro mas epektibo. Pero sasabihin ko sa inyo, Ugh at ugh, hindi madali.
Mga pamangkin kong nagdadalaga, demokratiko ko silang iminumulat sa pagdadalantao na walang paghahanda, physically, morally at financially. Pati ang benepisyo ng paggamit ng mga kontraseptibo. Pag talikod mo, nagsipag-anakan!!!
Hindi lang pala ang kabataan ang dapat na i-educate, pati na rin pala mga magulang - sa kasamaang palad, nabibilang ang mga magulang ng mga kapatid ko sa mga ignorante na nagpapairal ng katigasan ng ulo para mapagtakpan ang mga katangahang ito imbes na magsikap na matutunan ang tunay na kahulugan ng buhay. (Hayan, medyo napabilis tuloy ang pananagalog ko. Nasasanay na uli.)
Isa pa, may tindahan ang nanay ko; sabi ko sa kanya>> wag ka ng magtinda ng sigarilyo at alak para hindi ka na mag-participate sa pagwasak ng mga kabataan na bumibili nito. Ang sagot>>dyan lang ako malaki ang kita eh.
Tinanong ko kung magkano ang kinikita nya at babayaran ko na lang.Tatanggapin ang pera pero magtitinda uli at ang dahilan>>bibili din sila sa iba eh.
Sa parteng ito, naintindihan ko na hindi ko makakaya na mag-isa.
Kailangan natin ang gobyerno! Ng gobyernong una sa lahat ay makatao.
Noon, hindi ko alam ang tunay na kahulugan ng salitang ito. Lagi kong naririnig sa mga debate ng mga politician, makatao at makadiyos at bla bla bla …!
Ngayon, mas may kahulugan ang salitang makatao para sa akin . . . isang halimbawa na naranasan ko na kakulangan ng pagkatao sa Pilipinas >>> walang pakialam ang mga may sasakyan sa mga tumatawid o naglalakad na tao.
Nasa gitna ka na nga ng tamang tawiran, ni hindi man lang maghinay at paraanin ka hanggang sa makarating sa kabilang kalye. Parang ni minsan ay hindi sya naging pedestrian!!!
Napakarami pang mga kabulukan sa Pilipinas!!! Sa dami ay hindi ko na makita ang kagandahan, kung meron man. Ang Pilipinas ay maganda, sigurado! Pero ang pinoy….?
Maraming pinoy sa ibang bansa na sigurado ako na laang maging kabalikat at patuloy na umaasa sa pagbabago ng Pilipinas, isa na ako.
Kailangan lang ang isang wanday ng pagkakaisa, napakahirap man, gusto kong paniwalaan.
HINAGPIS NG ISANG UMAASA SA DI KAASA ASA
Posted by ador at November 16, 2005, 9:32 pm“Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin
na lang napunta, eh di sana nakakapanood pa ko ng sine
at least 2 beses sa isang buwan. Nakabili na sana ako
ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako ng
sarili kong bahay.”
Bro anlaki ng tax mo… pang-malaking sweldo!
pero….
“At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng
bumoto!”
BOTO ako dito! Sige tanggalan na ng qualifications kung sino pwedeng tumakbo, basta taasan qualifications ng pwedeng bumoto.
Posted by Eduardo at July 24, 2007, 3:22 pmei gagandang gabi poh. tnx sa sinulat nyo ang daming totoo sa lahat ng yan ngyari na talaga….
Posted by jen tabion at November 22, 2007, 8:02 pmayos toh..kuhang kuha mo ang gusto kong sbihin…nakaklungkot nga tlga kung tutuusin and sometimes ala ka ng ibang maisip gwin kundi tkasan nlng ang problema dito noh? nakakaasar..lalo na sa part ng payslip ako din naha high blood makita ang taxes ko eh…anyway MABUHAY ka and thanks for visiting my site din..”‘)
Posted by aicelrose at August 24, 2008, 12:56 amTSK TSK TSK! Tunay na nakakalungkot, nakapanlulumo. Talagang inilabas nyo rito ang lahat ng inyong sama ng loob.
Sa inyong mga sinabi, talagang nasalimuotan ako. Masyado kayong bitter. Habang binabasa itong post ninyo, naiisip kong ikomento na - may pag-asa pa ang Pilipinas, kaya natin ‘to, may magagawa pa tayo! Pero sa mga huling paragraphs, naisip kong bata pa ako, idealist pa. Nangangarap pa. Marami pang dapat na matutuhan at malaman.
Pero, wala na ba talagang kapag-a-pag-asa, ni katiting lang, kahit banaag man lamang - ang bansang itong ang higit sa pitong libong mga pulo ay tinaguriang perlas ng Silangan? Ang lupang pinagmulan ng magigiting at dakilang Lapu-Lapu, Dagohoy, Silang, Kudarat, Rizal, Bonifacio, Mabini, Balagtas, Corazon de Jesus, Joaquin, Recto, Aquino, at napakarami pang ibang ‘dangal ng lahing kayumanggi’? Tsk, ano ba ang pinaggagagawa natin? Sasayangin na lang ba natin ang kanilang husay, pawis, dugo, buhay na inukol at inalay sa kaawa-awang bayang ito?
Posted by xdalisayx at June 3, 2009, 3:18 pmnakakatakot naman ang background niyo panget naman!
ok ka bro!
Posted by private at August 4, 2005, 6:18 pm