Ako ay isang middle class pinoy, isang officer sa isang
malaking korporasyon at may asawa…dalawa anak. Di na importante pangalan
ko kasi parepareho naman tayong mga middle-class….trabaho 9-5, inom konti
tapos uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na,
pag wala na pera intay nalang ng sweldo.
Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng sector ay
maingay at naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive
Pinoys ang di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito.
Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya eto ang liham
ko sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag
na pag-iisip,!
Sa Mga
Politiko;
- diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo
makuntento kelangan nyo pa ba manggulo.
Sa
Administrasyon:
- hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa
eleksyon, pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power,
kaya sana naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na
pamumuno at malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman
naman namin na may napupuntahan ang binabayad naming buwis.
- saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary na tayo sa
2007, tignan mo, i-announce mo mag-step down ka kapag parliamentary na tayo,
resounding
YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at people power laban
sayo.
Try mo lang……………
Sa
Oposisyon;
- di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig
sa inyo….isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga
excited na reporter na parang naka-shabu lagi….mga praning e at
naghahallucinate.
- Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon,
pumili muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon.
Hirap sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na
maayos.
Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa
sa likod ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng
galing bago nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo
kundi reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo….para
kayong batang lagi na lang naaagawan ng laruan…..GROW UP naman…sa isip
sa salita at sa gawa.
- please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay
mga bayaran
na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at iempleyo ang mga
rallyista para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag nagrarally
kayo yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong nagrarally!!
Nung People Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.
- Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami
pang middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw
ang mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan.
Kung gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo….pero pagod
na kami e, sori ha.
Sa
Military:
Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000
plus na patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita
nyo ba sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila na sundalo…..yan
dapat ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi may mga bagay na
di kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang
ang nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng
military ng lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinaka-
mareklamo.
Sabi nga sa Spiderman “with great power comes
great responsibility”…..kaya maging spiderman kayo lahat at protektahan
ang mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami kapag nagrereklamo kayo,
kasi may baril kayo at tangke, kami wala.
Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na
kusa e, may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman sila
email.
Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang email nalang
tayo
kaya
ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat
makabasa
nito
at makiliti naman ang kanilang mga
konsyensya.
Signed,
Isang Middle-Class pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo
ng
Buwis!
good.
Posted by zaldy at April 14, 2008, 2:37 pm
oo ga, nasasayang lang buwis na binabayad natin, kasi ginagamit lang ng mg apulitiko sa sarili nilang interest.. tsk tsk
Posted by cruise at March 18, 2006, 1:44 pm