Home » Archives » October 2006

Famous Lines

October 30, 2006

“pinapaikot mo lang ako

Nagsasawa na ako. Mabuti pang

patayin mlo na lang ako”

-electric fan

“hindi lahat ng walang salawal

ay bastos”

-winnie d ‘ pooh

“Alam mo ba wala akong ibang hinangad

kundi ang mapalapit sa iyo.

pero patuloy ang pag-iwas mo”

-ipis

“Hala! sige magpakasasa ka!

Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo.”

-hipon

“Ayoko na! pag nagmamahal ako lagi na lang

maraming tao ang nagagalit! wala ba akong

karapatang magmahal?!?”

-gasolina

“Hindi lahat ng green ay masustansya.”

-plema

“Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako ‘ y sau

ayoko ko lang naman na sa harap ng maraming tao

ganun mo na lang ako itanggi..”

-utot

“Sawang sawa na ako palagi nalang akong

pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na ako.”

-Bola

“you never know what you have

till you lose it.

and once you lose it, you can never get it back”

-snatcher

“di na nga ako gumagalaw dito,

ako na nga yung natapakan, sya pa itong galit.”

- tae

“Hindi lahat ng pink, KIKAY!”

-bayani agbayani

“Ginawa ko naman lahat para sumaya ka

mahirap ba talagang makontento sa isa?

bakit palipat-lipat ka?

-TV

“hindi lahat ng maasim may vitamin c”

-kili kili

Sige, batihin mo ako…. Sigeee…..BATEEEEEE!!!!!!!!

-itlog

pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!

-libag

“wag mo na akong bilugin..”

-kulangot

Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?

-Lego

“hindi lahat ng dugo puedeng idonate”

-regla

“Sige, kalimutan mo ako… at ilalabas ko ang baho mo!!!”

rexona

“Haay, buhay nga naman… Kahit mabigat ang pasanin, masarap pa rin..”

– Bra

“Nakakalungkot isipin na may mga tao talagang nang-iiwan sa ere…”
– Saranggola

“Hindi lahat ng bubuyog kulay itim.”
– Jollibee

“Wag kang magrereklamong pinaiyak kita dahil nauna mo akong sinaktan.”
– Sibuyas

“Oo inaamin ko, sila ‘ y mga yakal, lawanit at narra. At kami ‘ y saging lang.
Pero maghanap kayo ng puno sa buong mundo, saging lang ang may puso..”
– B1 at B2

“Wag po natin salubungin ang mga bumababa, di po naten sila kamag-anak.”
– LRT/MRT Operator

Posted by private at 12:17 am | permalink | comments[36]