Home » Archives » 21. June 2007

Ang tunay na hangarin ng isang lasenggo.

June 21, 2007
  1. Sana sa hilo na dulot ng espirito ng alak, pansamantalang makatakas sa magulong mundo.
  2. Sana sa walang humpay na tawanan at kalokohan, maitago lahat ng sakit at kalungkutan.
  3. Sana sa pag-ikot ng tagay, maisabay at matangay ang problemang nais ibahagi.
  4. Sana sa pagbuga ng usok ng yosi, mailabas ang sama ng loob.
  5. At sa bawat pagtaas ng bote, sana may mga kaibigang walang sawang kakampay sa tagumpay man o kabiguan.
Posted by private at 10:47 am | permalink | comments[5]