Ganito ang mangyayari sa barko. Read lang …
Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing
"Pagkataposng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan."
Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.
Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?!!!" Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."
At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.
Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.
Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.
Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.
Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state .
Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic". "Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.
Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."
kawawa talaga tayong mga pilipino kaya hindi tayo umaasenso kasi sa halip na magtulungan para umunlad and ating bayan ay tinutulungan natin at iniisip lng natin ang ating mga sarili. wla tayong ibang iniisip kundi ang kamunduhan, walang gustong magsakripisyo para sa kapakanan ng lahat. nasama pa namn tayo sa ‘mga biggest catholic countries’ or maybe we Filipinos can be tagged as very religious peoples., sad to note. I guess its the main reason y we’re still not improving or maybe because our patriotism lost its place in our hearts. mamalandong unta kita.
Posted by tessa at July 20, 2007, 4:19 pmhahaha..naaliw naman ako ke noah.ahihhihihihi. tamad xa ganon? lolz.
astig!
Posted by jackie at July 20, 2007, 4:39 pmhindi na matutuloy ang arko dahil sa isang damakmak na red tape.
the philippine government is not doing its purpose which is public service or serving the national interest. instead, inuuna ang personal interest. pano pa nga ba massave ang mga pinoy pag ganyan? malulunod tayong lahat.
Posted by misschivas at July 24, 2007, 2:51 pmbuti nga hindi hinanapan ni Noah ng ID si Lord eh!
“Kaw ba talaga si Lord? ID mo?”
Posted by edu at July 24, 2007, 3:23 pmhoy, napanood ko dati `to sa Bubble Gang. Nice
mamatay na mga tae sa Pilipinas.
Haay naku…, ang gulo talaga ng pulitika sa bansa natin!!! Tayo-tayo din ang naghihilahan pababa…
Kelan ba tayo titigil sa pagiging alimango?!!!
Siguro kung Amerikano si Noah sa sitwasyong ‘yan, malamang pumayag na si GMA sa pagpapagawa ng arko… tama ba?!…haiz.
kawawang Pilipinas. ganyan nga talaga kagulo ang mga pinoy. nice post it’s my first time in this blog. on anyone’s blog really. are you a member of the i.ph forum?
Posted by Lee the Red at August 14, 2007, 11:31 amwahahah! very nice! katuwa!
Posted by Lizeth at January 24, 2009, 9:39 pm
May isang malaking problema si Noah. Hindi pala sya graduate ng BS Naval Architecture. Kaya hindi sya qualified gumawa ng arko. Sabi ito ng PRC.
Posted by Tom at July 20, 2007, 12:12 pm