Home » Post Item » Erap’s verdict, ZTE broadband deal atbp kabulukan sa Pilipinas

Erap’s verdict, ZTE broadband deal atbp kabulukan sa Pilipinas

September 10, 2007

Napakaraming kabulukan sa Pilipinas!

Naaalala ko ang kaopisina ko minsan na nagsabi, ang mabuting gawin sa mga Pilipino ay lusawin at mag-umpisa uli sa umpisa. I found her idea horrible. Pero, ngayon, katulad ni HINANAKIT NG -> isang ordinaryong office worker na ayaw nang magbayad ng tax…ever!, nawawalan na rin ako ng pag asa.

Baguhin ang Pilipino sa isang wanday ng mahiwagang baguette o wand (Paumanhin, nalimutan ko na sa tagalog. Sa tutuo lang, napapahinto ako ng 20 segundos sa paghahanap ng tamang salita sa tagalog) ay napaka-imposible!!!

Kaya, pinag-tuunan ko ang sarili kong pamilya. Naniniwala ako na mag-umpisa sa maliit, siguro mas epektibo. Pero sasabihin ko sa inyo, Ugh at ugh, hindi madali.

Mga pamangkin kong nagdadalaga, demokratiko ko silang iminumulat sa pagdadalantao na walang paghahanda, physically, morally at financially. Pati ang benepisyo ng paggamit ng mga kontraseptibo. Pag talikod mo, nagsipag-anakan!!!

Hindi lang pala ang kabataan ang dapat na i-educate, pati na rin pala mga magulang - sa kasamaang palad, nabibilang ang mga magulang ng mga kapatid ko sa mga ignorante na nagpapairal ng katigasan ng ulo para mapagtakpan ang mga katangahang ito imbes na magsikap na matutunan ang tunay na kahulugan ng buhay. (Hayan, medyo napabilis tuloy ang pananagalog ko. Nasasanay na uli.)

Isa pa, may tindahan ang nanay ko; sabi ko sa kanya>> wag ka ng magtinda ng sigarilyo at alak para hindi ka na mag-participate sa pagwasak ng mga kabataan na bumibili nito. Ang sagot>>dyan lang ako malaki ang kita eh.

Tinanong ko kung magkano ang kinikita nya at babayaran ko na lang.Tatanggapin ang pera pero magtitinda uli at ang dahilan>>bibili din sila sa iba eh.

Sa parteng ito, naintindihan ko na hindi ko makakaya na mag-isa.

Kailangan natin ang gobyerno! Ng gobyernong una sa lahat ay makatao.

Noon, hindi ko alam ang tunay na kahulugan ng salitang ito. Lagi kong naririnig sa mga debate ng mga politician, makatao at makadiyos at bla bla bla …!

Ngayon, mas may kahulugan ang salitang makatao para sa akin . . . isang halimbawa na naranasan ko na kakulangan ng pagkatao sa Pilipinas >>> walang pakialam ang mga may sasakyan sa mga tumatawid o naglalakad na tao.

Nasa gitna ka na nga ng tamang tawiran, ni hindi man lang maghinay at paraanin ka hanggang sa makarating sa kabilang kalye. Parang ni minsan ay hindi sya naging pedestrian!!!

Napakarami pang mga kabulukan sa Pilipinas!!! Sa dami ay hindi ko na makita ang kagandahan, kung meron man. Ang Pilipinas ay maganda, sigurado! Pero ang pinoy….?

Maraming pinoy sa ibang bansa na sigurado ako na laang maging kabalikat at patuloy na umaasa sa pagbabago ng Pilipinas, isa na ako.

Kailangan lang ang isang wanday ng pagkakaisa, napakahirap man, gusto kong paniwalaan.

 


Posted by private at 1:30 pm | permalink

Previous Comments

thanks for dropping by! just published a post on the verdict.

Posted by siu at September 14, 2007, 5:24 pm

Count me in, gusto ko rin ng pagbabago sa bansa natin but i don’t know..matagal na kong nawalan ng pag-asa.

Hindi ko alam kung alin ang dapat na baguhin o kung alin/ano ang dapat palitan. Ang gobyerno ba, ang mga taong namumuno o ano ba…..

May pag-asa pa ba?

Posted by Gladys at September 15, 2007, 12:10 pm

already linked you up. :-)

Posted by siu at September 17, 2007, 4:57 pm

thanks for visiting my blog… this site is nice … maganda at informative para naman sa atin, lalo na iyong me gusto malaman ang opinion ng iba tungkol sa ating gobyerno ….

Posted by Hope at September 20, 2007, 3:30 am

ako ang gusto ko ay isang matiwasay na pamumuhay hindi lang sa aming mga kabataan kundi pati na rin sa mga mamamayang pilipino………..kaya sana naman yung lider na aming ibinoto ay gagampanang mabuti ang mga kanilang tungkulin ng walang halong …………..?????????????KATIWALIAN!!!!!!!!!!!!

Posted by divina delos reyes at February 22, 2008, 10:42 am

HINDI KO MALAMAN KUNG ANO ANG DAHILAN KUNG BAKIT SARILING BANSA AT KAPWA PILIPINO ANG GINAGAGO NG GOBYERNO..
NI HINDI NILA INISIP KUNG ANO ANG MAGIGING SANHI NITO…BASTA BA MAKAKUHA SILA NG PERA SA MAMAMAYAN.. NAALALA KO ANG ISANG KAPITBAHAY NAMIN NA SINABI NYANG, ANG DAPAT SIGURONG GAWIN AY BUMUO NG MGA TAONG MAGIGING LIDER NG BANSA… AT IPAMULAT ANG MATA NITO NA DAPAT PAGYAMANIN ANG BANSA AT HINDA ANG KANILANG MGA SARILI….

Posted by RINA D. DELOS REYES at March 4, 2008, 4:06 pm

Hi! I’m Jan Alvin of www.blogtambayan.blogspot.com.

I’ve seen blogs discussing about this. If you want to see my list, come to my blog. www.blogtambayan.blogspot.com

By the way would you like to exchange links withe me, it will help us in our information gathering process.

Posted by Jan Alvin at March 7, 2008, 9:05 am

Add a comment