Home » Tags

Erap’s verdict, ZTE broadband deal atbp kabulukan sa Pilipinas

September 10, 2007

Napakaraming kabulukan sa Pilipinas!

Naaalala ko ang kaopisina ko minsan na nagsabi, ang mabuting gawin sa mga Pilipino ay lusawin at mag-umpisa uli sa umpisa. I found her idea horrible. Pero, ngayon, katulad ni HINANAKIT NG -> isang ordinaryong office worker na ayaw nang magbayad ng tax…ever!, nawawalan na rin ako ng pag asa.

Baguhin ang Pilipino sa isang wanday ng mahiwagang baguette o wand (Paumanhin, nalimutan ko na sa tagalog. Sa tutuo lang, napapahinto ako ng 20 segundos sa paghahanap ng tamang salita sa tagalog) ay napaka-imposible!!!

Kaya, pinag-tuunan ko ang sarili kong pamilya. Naniniwala ako na mag-umpisa sa maliit, siguro mas epektibo. Pero sasabihin ko sa inyo, Ugh at ugh, hindi madali.

Mga pamangkin kong nagdadalaga, demokratiko ko silang iminumulat sa pagdadalantao na walang paghahanda, physically, morally at financially. Pati ang benepisyo ng paggamit ng mga kontraseptibo. Pag talikod mo, nagsipag-anakan!!!

Hindi lang pala ang kabataan ang dapat na i-educate, pati na rin pala mga magulang - sa kasamaang palad, nabibilang ang mga magulang ng mga kapatid ko sa mga ignorante na nagpapairal ng katigasan ng ulo para mapagtakpan ang mga katangahang ito imbes na magsikap na matutunan ang tunay na kahulugan ng buhay. (Hayan, medyo napabilis tuloy ang pananagalog ko. Nasasanay na uli.)

Isa pa, may tindahan ang nanay ko; sabi ko sa kanya>> wag ka ng magtinda ng sigarilyo at alak para hindi ka na mag-participate sa pagwasak ng mga kabataan na bumibili nito. Ang sagot>>dyan lang ako malaki ang kita eh.

Tinanong ko kung magkano ang kinikita nya at babayaran ko na lang.Tatanggapin ang pera pero magtitinda uli at ang dahilan>>bibili din sila sa iba eh.

Sa parteng ito, naintindihan ko na hindi ko makakaya na mag-isa.

Kailangan natin ang gobyerno! Ng gobyernong una sa lahat ay makatao.

Noon, hindi ko alam ang tunay na kahulugan ng salitang ito. Lagi kong naririnig sa mga debate ng mga politician, makatao at makadiyos at bla bla bla …!

Ngayon, mas may kahulugan ang salitang makatao para sa akin . . . isang halimbawa na naranasan ko na kakulangan ng pagkatao sa Pilipinas >>> walang pakialam ang mga may sasakyan sa mga tumatawid o naglalakad na tao.

Nasa gitna ka na nga ng tamang tawiran, ni hindi man lang maghinay at paraanin ka hanggang sa makarating sa kabilang kalye. Parang ni minsan ay hindi sya naging pedestrian!!!

Napakarami pang mga kabulukan sa Pilipinas!!! Sa dami ay hindi ko na makita ang kagandahan, kung meron man. Ang Pilipinas ay maganda, sigurado! Pero ang pinoy….?

Maraming pinoy sa ibang bansa na sigurado ako na laang maging kabalikat at patuloy na umaasa sa pagbabago ng Pilipinas, isa na ako.

Kailangan lang ang isang wanday ng pagkakaisa, napakahirap man, gusto kong paniwalaan.

 

Posted by private at 1:30 pm | permalink | comments[7]

Kung naging Pinoy si Noah….

July 19, 2007

Ganito ang mangyayari sa barko. Read lang …

Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing

"Pagkataposng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan."

Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?!!!" Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.

Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state .

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic". "Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.

Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."

Posted by private at 9:28 am | permalink | comments[10]

Kawawang magulang!

July 13, 2007

Dear Anak,

Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na naming ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project nayun. kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla palan namin ang palayan natin para mabili mo nag yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa  laboratory nyo. Anak komportable kaba jan sa boarding house mo san ba kamu yan sa VICTORIA COURT - maganda ba dyan di ba mainit jan. Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun?

Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng arian natin ay maka gradweyt kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag graweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating sa sanglaan. ay cya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman.Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive.

Anak hanggang dito nalan at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

 

Ang nagmamahal

Itang at Inang

P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.

Posted by private at 1:24 pm | permalink | comments[7]

Everything happens for a reason - Part 2

June 25, 2007

Dear Wife:

I'm writing you this letter to tell you that I'm leaving you for good.

I've been a good man to you for seven years, and I have nothing to show for it

These last two weeks have been hell. Your boss called to tell me  that you had quit your job today, and that was the last straw.

Last week, you came home and didn't even notice that I had gotten a new hair cut, cooked your favorite meal, and even wore a brand new pair of silk boxers.

You came home and ate in two minutes, then went straight to sleep after watching all your soaps. You don't tell me you love me anymore, you don't want to have sex anymore or anything. Either you're cheating on me or you don't love me anymore.

Whatever the case is, I am gone.

Your EX - Husband

P.S. Don't try to find me. Your SISTER and I are moving away to
West Virginia together!

Have a great life!

Dear Ex-Husband:

Nothing has made my day more than receiving your letter. It is true that you and I have been married for seven years, although a good man is a far cry from what you've been.

I watch my soaps so much because they drown out your constant whining and griping. Too bad that doesn't work. I did notice when you got a hair cut last week. The first thing that came to mind was, "You look just like a girl!" but my mother raised me not to say anything, if you can't say anything nice. And when you cooked my favorite meal, you must have gotten me confused with MY SISTER, because I stopped eating steak seven years ago.

I turned away from you when you had those silk boxers on because the price tag was still on them. I prayed that it was just a coincidence that my sister had just borrowed five hundred pesos from me that morning and your new silk boxers were P 500.00.

After all of this, I still loved you and felt that we could work it out. So, when I discovered that I had hit the lottery for Sixty Million Pesos, I quit my job and bought us two tickets to Aman Pulo somewhere in Palawan. But when I got home you were gone. Everything happens for a reason, I guess.

I hope you have the fulfilling life you always wanted. My lawyer said that with your letter you wrote, you won't get a dime from me. So take care.

Signed,

Rich and Free!

P.S. I don't know if I ever told you this but Carla, my sister, was born CARL. I hope that's not a problem.

Change is good.

Posted by private at 10:56 am | permalink | comments[14]

Mayaman vs. Mahirap

March 17, 2007

1.) Kung mayaman ka, meron kang "allergy" Kung mahirap ka,
ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang"

2.) Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and
stress" Sa mahirap, "sira ang ulo"

3.) Sa mayamang "malikot ang kamay", ang tawag ay "kleptomaniac" Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"

4.) Pag mayaman ka, you're "eccentric" Kung mahirap ka,
"may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad"

5.) Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may
"migraine" Kung mahirap ka naman at sumakit ang
ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom"

6.) Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is
"scoliotic" Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba"

7.) Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o
"kayumanggi"

Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga" o "tsimay"

8.) Kung nasa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag
sa iyo ay “petite" Kung mahirap ka lang, ikaw
ay "pandak" o "bansot" o "unano" o "jabbar"

9.) Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump" Kapag
mahirap ka at ika'y mataba, "tabatsoy" o "lumba-lumba"… pagminamalas ka, "baboy"

10.) Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang
tawag sa iyo ay "game" Kung mahirap ka, ikaw ay
"pakawala" o "pam-pam" o “pokpok”

11.) Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay
"liberated" Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa
iyo "malandi" o "haliparot" o "halipandas" o "dalahira"

14.) Kung may pera ka, ang tawag sa iyo "single parent"
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo "disgrasyada"

15.) Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain,
"vegetarian" Habang kakaawa ang mahirap na kumakain ng damo."

16.) Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang
sumasagot sa mga guro.

Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay "walang hiya" o "walang modo" o "bastos"

17.) Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully
into senior citizenhood" Ang mga mahihirap ay "gumugurang"

18.) Ang anak ng mayaman ay "slow learner" Ang anak ng
mahirap ay "bobo" o “gung-gong"

19.) Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter
your host who says, "masarap kang kumain and
I like you, you do justice to my cooking"

Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" o "masiba"

20.) Kung boss ka at binabasa mo ito sa PC mo, "okay lang"
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang,
ikaw ay" nagbubulakbol"… kaya forward mo na agad ito
dahil nasa likod mo na ang boss mo!

Posted by private at 4:08 pm | permalink | comments[13]

Friendship - Poem for Blush five-two-nine

September 30, 2006

Many people will walk in and out of your life.
But only true friends will leave footprints in your heart.
To handle yourself, use your head;
To handle others, use your heart.

Friends

Anger is only one letter short of danger
If someone betrays you once, it is his fault;
If he betrays you twice, it is your fault.

Great minds discuss ideas;
Average minds discuss events;
Small minds discuss people.


They, who loses money, loses much;
They, who loses a friend, loses much more;
They, who loses faith, loses all.

Beautiful young people are accidents of nature,
But beautiful old people are works of art.

Learn from the mistakes of others
You can’t live long enough to make them all
yourself.

Friends, you and me…
You brought another friend…
And then there were 3…
We started our group…
Our circle of friends…
And like that circle…
There is no beginning or end…

Yesterday is history.
Tomorrow is mystery.
Today is a gift.
That is why it is called the present.

Dont leave me mydear, your so important, I need you in my life!

Posted by private at 10:55 am | permalink | comments[1]