hindi ko na sana ikukwento kasi akala ko aksidente lang….. AKALA KO AKO LANG!…
UNG PALA MERON PANG IBA NA MABIBIKTIMA NG GANITONG SISTEMA…PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG PUPUNTAHAN MO? kawawa ka naman….maglalakad ka….
(based on my own experience sa isang aircon bus….) last september 6, 2007, 4pm ako ay nagpunta sa cubao at bumili ng ticket (going to baguio ) sa victory liner cubao. sumakay ako ng aircon bus from victory liner (cubao) to robinsons galleria (going back sa office in ortigas) …ang pamasahe po ay P10 from cubao to robinsons galleria… at ako po ay nagbigay ng P100 sa kundoktor… binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung 100pesos na binayad ko, sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P Tuazon (near araneta center)…pina alala ko uli ung sukli ko sa konduktor… tinanong nya ako, "san ka nga uli baba’?." sumagot ako na…"sa may robinsons galleria lang!"…… ."malayo ka pa naman eh…sandali lang"…sabi ng kundoktor. so, pagdating ng VV Soliven… lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko…hindi kumibo ang kundoktor… (luminga- linga lang) parang deadma ba?…. Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight). ..tumayo ako at nilapitan ko yung konduktor na naka upo sa tabi nung driver…hiningi ko ung sukli ko…
eto ang sabi nya sa’kin…"PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,… sabay inabot ko… sabi ng kundoktor… "Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!…. TARANTADO KA PALA EH… medyo mag init ang ulo ko sa sinabi nya… kaya sumagot ako… na ..
TARANTADO KA RIN!!!…KANINA KO PA SINASABI NA …UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO… dun na kami nagkasagutan. …at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na …."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA ‘SAN DAANG PISO eH…TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.. tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver…
at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya…. eto ang sabi nung driver…. ‘ ABA ..PARE…HINDI KO ALAM YAN…BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO…(sa pagkakataong ung…tatlo na ang nakikipagtalo sa akin… ung konduktor,.,, ung driver at ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver… Sabi ko sa sarili ko…agrabyado ako pag nakagulo…kaya sinabihan ko
ung driver na…baba na ako. ..sabi ko…"BUKSAN MO UNG PINTO…BABABA NA AKO..LAMLAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)…SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO…
(sa pagkakataong ung, …ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA…pero hindi nya binubuksan ung pinto…hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)
Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station) ako ibinaba…na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila…
So…after one month…nakalimutan ko na ung nangyari….
Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm…pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)… May isang babae na kasakay ko sa bus….na nagrereklamo sa kundoktor at
driver….na hindi rin binibigay ung sukli. Sya daw ay galing sa may Timog …sya ay baba sa may Boni…. Naalala ko ung nagyari sa’kin …nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung ‘BABAE" na … "MISS…MISS. ..SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA
KUNDOKTOR… KITANG KITANG KO"…. Sa galit nung babae…akmang baba na sa may tapat ng ‘Jollibee Boni"…nang biglang isinara nung driver ung pinto….at tsaka pinatakbo na matulin ung bus…hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"…(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)….
Dun ko na pag tanto ung nang yari sa’kin…parehong- pareho ng ginawa dun sa babae… Bago ako…bumaba sa may Guadalupe tulay Loyola)…tiningnan ko ung driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor… . Magkaka-kilala pala sila….at nagtatawanan pa… Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari… pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN….may "MAMA" na bumati sa akin…sabi nya…"PARE, KALA KO KANINA…TUTULUNGAN MO UNG BABAE…un hindi sinuklian?.. . "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR… .UNG ISA…HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO….KAYA AKO…LUMIPAT DIN AKO …KASI TWO YEARS AGO…NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK.. .SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO…KAWAWA NAMAN…GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS….
KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS…PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD… so samakatuwid. ..hindi lang pala holdaper at snatcher ang titinang mo sa bus….kawawa naman tayo…parehang kung mamuhay….paano na tayo…???? Sa inyong lahat…lagi po sana tayong mag iingat….
Salamat po.
WALANG KATAPUSANG CORRUPTION, walang kamatayang pangbabatikos, pagbabatuhan ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawatisa, walang tigil na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala namang matinong resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga partido, patuloy na pagdami ng tamad at tangang Pilipino, SILANG patuloy na pakikipaglaban ng ideolohiyang wala namang silbi.
SINONG “SILA”? EH DI MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND WORKERS, MGA TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN NAGTRATRABAHO AT HINDI NAGBABAYAD NG TAX, MGA MAYAYAMAN AT ARTISTANG TAX EVADERS, PATI MGA AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL GROUPS NA HINDI NAGBABAYAD NG TAX PERO PANG-GULO!!!
Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan ang masa! Mahalin ang masa!
MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS?
SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAY SA BANSANG TO?
SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE? SAAN BA GALING ANG PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NILA?
KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO PA MAKUHA ANG SWELDO BAWAS NA - KAMI ANG BUMUBUHAY SA
BANSA NA ‘TO!!!!!!!!!
BAKIT YANG BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA NG MGA PULITIKO EH NAGBABAYAD BA NG TAX cla???!!!!
KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA YAN, KAHIT SINGKO HINDI NAG-RE-REMIT YAN SA BIR!
PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO?
LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INI-INTINDI NG GOBYERNO.
KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD.
KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC CONTRIBUTION, SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA.
SILA LAGI ANG BIDA.
KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS, OFW’S, LABORERS AT IBA PANG NAG-TRA-TRABAHO AT NAGBABAYAD NG TAX - KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA BUHAYIN ANG PILIPINAS. KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!
Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto kong maiyak sa inis. Napakalaki ng tax na
binabawas sa akin pero ginagamit lang sa walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko.
Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko, pamilya ko at ang bansang to. Ni hindi ako makabili ng chicken and spaghetti meal sa Jollibee kahit gutom na gutom na ko. Nag-tya-tyaga ako sa waffle na tig-P10, o kaya pag may konting pera, junior bola-bola siopao sa Mini-Stop sa halangang P20.
Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang napunta, eh di sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa isang buwan. Nakabili na sana ako ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako ng sarili kong bahay.
Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga corrupt na mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong i-budget ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansyon. SUV’s at luxury cars pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang sumasakay!
PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!!!
Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba galing ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di ba sa mga manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng mahihirap, kung umasta kala mo inaapi sila ng sobra.
SA TOTOO LANG NO, KAYA ANG MGA MAHIHIRAP LALONG NAGHIHIRAP KASI MGA TAMAD!
Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng katawan. Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila.
TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NG ANAK!
LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!!!
Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa Pinas. Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa Cubao, pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na.
YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP NA NGA KAYO SA BUHAY, MANGDADAMAY PA KAYO NG IBA?! PAPARAMIHAN NYO PA LAHI NYO!
Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo lang, nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang, nakakabuo pa rin ng bata! Ibig sabihin,
maabilidad ang mga Pinoy. Kung gugustuhin, gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at maduming lugar - SOLVE!
Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal nila ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain.
EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA MUKHA NYO!
MGA HIPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS!
WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO! KUNG MAY TRABAHOTALAGA KAYO, HINDI KAYO MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO!
PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA KAYONG GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!!
ISA PA YANG MGA MAYAYAMAN AT MGA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI NAGBABAYAD NG BUWIS. ANG KAKAPAL
NG MUKHA NYO! ANG DAMI NYO NA NGANG PERA NANGDADAYA PA KAYO SA TAX!!!! HINDI NYO NAMAN MADADALA SA IMPIERNO YANG MGA KAYAMAN NYO. MASUSUNOG LANG DUN YAN.
KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA NEGOSYANTE MANDARAYA. PATI SHOWBIZ INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA ANG TAWAG DYAN. MGA BALASUBAS KASI.
Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING.
Alisin ang lahat ng pulitiko at political families sa puwesto. Tibagin ang lahat ng mapanirang organizations at grupo. Itapon sa malayong isla o kaya i-pwersa ng hard labor ang mga sobrang tamad na mga Pilipino. Ihiwalay ang mga bata sa kanilang mga tamad at tangang magulang upang makapag-aral sila at maturuan na maging mabuting tao at mamamayan. Magkaron ng bagong lider na walang political ties at utang na loob sa kahit sino.
At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng bumoto!
Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos lang. Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng kalayaan, pero hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng pagiging malaya. Meron daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero takot namang mamatay para dito.
Hangga’t hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta ang Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino. Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang panahon na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak. Yung mga magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Sobra na kasi silang na-fru-frustrate at na-de-depress sa mga nakikita nila.
Ilang taon pa at aalis na rin ako sa Pilipinas. Wala kong balak na magkaron ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang kontribusyon ng mga taong tunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang magiging anak ko kung dito sya mabubuhay.
Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito. Pilit kong pinagtatanggol kahit bulok. Nakarating na ko ng ibang bansa, pero pinili kong bumalik. Pero ngayon, ayoko na. Suko na ko. Sayang lang ako sa bansang to. Simple lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mabuhay ng tahimik at maayos. Gusto ko na kahit paano eh maipagmalaki ang Pilipinas. Pero wala eh. Doomed to be jologs ang bansang to.
Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck and God bless! Sana tama kayo at mali ako.